Wednesday, February 25, 2015

Iskrip ng Florante at Laura (Simua, Kasukdulan hanggang Wakas)


Group A: Darwin 8 BANZA NHS

(Bumuo ng Iskrip na Ito)
HARVEY L. ABIAGADOR
JEFFREY P. JOTOHOT
SHEILLA MEA GUINSOD
JENEANN MACUNAN

“Florante at Laura”
Eksena 1
Simula
   Sa Paaralan…
Antenor : Magandang umaga sa inyong lahat. Ako nga pala si Ginoong Antenor, ang inyong guro.
Mga Estudyante : Magandang umaga rin po Ginoo.
Antenor : Ngayong araw ay magkakaroon tayo ng pagtatanghal o dula-dulaan at ang napili kong gaganap ay sina Florante bilang bida at si Adolfo bilang kalaban ni Florante sa isang labanan.   (Nainggit si Adolfo.)
Tagapagsalaysay : Habang si Florante , Adolfo at kanyang kaklase ay nagtatanghal , sinadyang saktan ni  Adolfo si Florante pero agad namang hinarang ito ni Menandro , ang matalik na kaibigan ni Florante.
Adolfo : Ah. Pasensya ka na Menandro , hindi ko sinasadya.
Menandro : Hindi sinasadya. Eh parang gusto mo lang talagang saktan si Florante. Ang sabihin mo naiingit ka sa kanya.
Adolfo : Eh sinabi na ngang hindi ko sinasadya . Bakit ba ayaw mong maniwala ha ?
Florante : Tama na nga yan !
Antenor : Magsitigil kayo ! Oh sige yun lang sa araw na ito. Magsi-uwian na kayo.
Mga Estudyante : Paalam na po Ginoong Antenor.
Tagapagsalaysay : Matapos mabingit ang buhay ni Florante sa kamay ni Adolfo, nawala at sukat ito sa Atenas. Makaraan ang ilang panahon ay nakatanggap siya ng sulat na nagsasabing namatay na nag kanyang ina.   (Lumapit si Antenor na kanyang guro kay Florante upang ibigay ang sulat.)
Antenor : Florante, may sulat ka .   (Nang mabasa ni Florante ang sulat ay bigla nalang may tumulong luha sa kanyang mata.)
Antenor : Nakikiramay ako Florante.   (Sabay tapik sa balikat ni Florante.) Pinapabalik kana rin pala ng ama mo sa Albanya dahil maysakit ito.
Florante : Salamat po. Mauna na po ako.   (Tatalikod na sana si Florante ng biglang magsalita ulit si Antenor.)
Antenor : Sya nga pala Florante. Mag-ingat ka kay Adolfo, hindi mo alam ang totoong ugali ni Adolfo at kung ano ang kayang gawin niya sayo.Pinayagan ko ring sumama sayo si Menandro para ng sa ganun ay may makakasama ka.
Florante :Opo, Maraming salamat ulit sa inyong kabaitan sa akin.
Antenor : Sige, mag-ingat ka.   (Sabay pag-alis nina Florante at Menandro.)
Tagapagsalaysay : Sa kabila ng kalungkutan ni Florante dahil sa pagpanaw ng kanyang ina, sabik pa rin siya dahil makakasama niya si Menandro na kanyang matalik na kaibigan papuntang Albanya.

Eksena 2
   Sa Albanya...
Tagapagsalaysay : Pagkarating nina Florante at Menandro sa Albanya, agad na dinala si Florante ng amang si Duke Briseo kay Haring Linseo. Nakatanggap kasi ito ng sulat mula sa bayang Crotona na ito ay sinakop ng mga Moro.
Haring Linseo : Duke Briseo, Yan na ba ang iyong anak?
Duke Briseo : OO, ito na nga si Florante ang aking anak.
Florante : Magandang araw po Haring Linseo.
Haring Linseo : Magandang araw din sa iyo Florante. Maari ba kitang atasan na maging Heneral ng hukbong magpapalay sa Crotona, ang bayang pinagmulan ng iyong ina na si Prinsesa Floresca.
Florante : Pumapayag ako na maging Heneral sapagkat ang bayan na aking ipinaglalabanay ang bayan ng aking ina.
Haring Linseo : O sige Florante , maraming salamat.  
Tagapagsalaysay : Si Florante nga ang napiling mamuno sa Hukbong na lulusob sa Crotona na kinakailangan niyang iligtas ang kanyang nuno na kasalukuyang hari na naluklok. Bago pa siay tumulak patungong digmaa, nakita niya si Laura na agad naman siyang naakit at umibig , ganun rin naman si Laura kaya bago siya tumungo sa Crotona , nagkaroon muna sila ng sumpaan ni Laura.

Eksena 3
Kasukdulan
   Sa hardin...
Florante : Magandang umaga sa iyo magandang binibini. Ako nga pala si Florante, maari ko bang malaman kung ano ang iyong pangalan?
Laura : Ako nga pala si Laura. Taga-saan ka at bakit ka nandito?
Florante : Taga-Albanya, pumunta kasi kami ng aking amang si Duke Briseo at ako ay naatasan ni Haring Linseo na mamuno sa Hukbong na magpapalay sa Crotona.
Laura : Anak ka pala ni Duke Briseo?
Florante : OO, Ikaw?
Laura : Ama ko si Haring Linseo.
Florante : Ganun ba? Ang ganda-ganda mo naman, ang iyong ganda ay nakakabighani. Unang tingin ko palang sa iyo ay agad na akong nahulog sayong kagandahan. Maari ba kitang ligawan?
Laura : (Napangiti) OO, Pwedi.
Tagapagsalaysay : Matapos maipahiwatig ni Florante ang nilalaman ng kanyang damdamin, nagpaalam siya kay Laura upang lumusob sa labanan pero bago iyon, nagkaroon muna sila ng sumpaan.
Florante : Paalam na sa iyo Laura kailangan ko nang umalis.
Laura : Mag-ingat ka sa iyong paglalakbay Florante, mahal na mahal kita.
Florante : OO Laura, para sa iyo. Pangako ko sa iyona babalikan kita. Mahal na mahal kita aking Laura.
Laura : Sige Florante, hihintayin kita aking mahal.   (Sabay yakap at pabaon ni laura ng maraming luha at pinahiyasan ang kanyang turbante na pinalamutian ng perlas, topasyo at maningning na rubi.)
Tagapagsalaysay : Ilang beses na nagtagumpay ang hukbo ni Florante sa digmaan hanggang tuluyang mapalaya ang Crotona. Ilang buwan lamang silang nanatili ng Crotona at sa kanilang pagbabalik ng Albanya ay dinatnan nila itong nababalutan ng lagim. Inabutan pa ni Florante sa aktong pupugutan ng ulo si Laura nang kanya itong mailigtas sa kamay ng mga Moro  sa pamumuno ni Aladin.
Florante : Bitiwan mo si Laura, Aladin. Tayo nalang ang magtuos. Kung may galit ka sakin, huwag mong idamay si Laura.   (Binitawan ni Aladin si Laura. Agad na tumakbo papalapit si laura kay Florante.)
Florante : Laura, tumakas ka na. Isama mo na rin ang aking amaat ang hari.
Laura : Paano ka? Hindi ko kayang mawala ka.
Florante : Akong bahala.
Laura : Mag-ingat ka.   (Tumakbo si Laura papalayo.)
Aladin : Tama na nga ang satsatan. Maglaban na tayo.
Tagapagsalaysay : Winasiwas ni Florante ang kanyang espada at maging s i Aladin. Sa kalagitnaan ng labanan, biglang nabitawan ni Aladin ang kanyang espada. Sinamantala niya ang pagkakataon at agad na itinututok ni Florante ang espada kay Aladin.
Florante : Mayroon ka bang huling habilin?
Aladin : Kahit ituloy mo pa iyan. Ito lang ang masasabi ko. Patawad..
Florante : Sige , Umalis kana !   (Agad na tumakbo si Aldin.)
Tagpagsalaysay : Naitaboy ng hukbo ni Florante ang nga mananalakay na Moro. Napalaya ang nakabilanggong hari at ang kanyang amang si Duke Briseo. Kabilang din sa mga napalayang bilanggo si Adolfo. Labis na nagngitngit at nanibugho si Adolfo sapagkat ipinagbunyi ng buong Albanya ang kagitingan ni Florante.
Taga-Albanya : Mabuhay si Florante. Mabuhay !!!
Tagapagsalaysay : Sa kabila ng lahat, lihim namang nakipag-ugnayan si Adolfo sa mga Moro upang muling manalakay. Nais lamang ni Adolfo na lansihin si Florante. Muling umalis ang hukbo ni Florante upang tugisin ang mga mananalakay na Turko. Nakipagtunggali ang hukbo ni Florante sa bayan-bayan hanggang ganap na nila itong maitaboy. Nasa Etolya si Florante nang makatanggap ng liham na pinapauwi siya ni Haring Linseo na mag-isa.
Menandro : Florante may sulat ka.   (Agad na kinuha at binasa ni Florante.)
Florante : Ano ? Papauwiin na naman ako?
Menandro : Kaibigan , sige umuwi ka na muna baka kailangan ka nila doon. Ako muna ang bahala dito sa hukbo.
Florante : Maraming salamat kaibigan. Maasahan ka talaga. Sige mauna na ako.
Menandro : Sige mag-ingat ka.
Tagapagsalaysay : Dumating siya sa palasyo na mag-isa at doon siya hinuli. Laking gulat ni Florante nang bumungad sa kanya ang libu-libong kawal na pinamumunuan ni Adolfo.

Eksena 4
   Sa Albanya...
Florante : Hayop ka talaga Adolfo. Sana hindi nalang kita pinalaya nung nakabilanggo ka pa.
Adolfo : Sana nga. Pero nasa huli ang pagsisisi. Sige ikulong na yan. Mayroon ka bang huling habilin?
Florante : Ito lang ang masasabi ko, Mamatay ka na sana. !
Adolfo : Hahahaha ..   (Agad na dinala ng kawal si Florante at ikinulong ng labing walong araw.)
Tagapagsalaysay : Nabilanggo nga si Florante ng labing walong araw hanggang sa tuluyang ipatapon sa kagubatan. Pinugutan ni Adolfo ng ulo si Haring Linseo at pati ang kanyang amang si Duke Briseo. Batid ni Florante na magpapakasal na si Laura kay Adolfo kaya’t labis-labis ang kanyang pighati.
Wakas
   Sa kagubatan...
Tagapagsalaysay : Nasa madawag na kagubatan si Florante at nakatali sa isang puno na nagdaraing sa buong akala na pinagtaksilan siay ng kanyang sinta na si Laura ng ipinagpalit siay sa buhong na si Konde Adolfo.
Florante : O minamahal kong Laura, hindi pa ba sapat ang pagmamahal na inalay ko sayo at ang ating binitawang sumpaan? Pinilit ko mang limutin ngunit ipikit ko man ang aking mga mata ay ikaw pa rin ang aking iniisip. Bakit ? Kahit mamatay man ako sa punong ito, pinapanalangin ko lagi kay Bathala na maging malaya ang aking kinalakihang kaharian ng Albanya’t maging ang buhay ng aking minamahal na si Laura. Nawa’y lumigaya ka sa piling ng iba.
Tagapagsalaysay : Biglang dumating ang dalawang mababangis na leon at pinalibutan si Florante. Anumang oras ay tiyak na nag kanyang kamatayan. Pinilit ni Florante na sumigaw at humingi ng tulong hanggang mayroong makarinig ng kaniyang tinig.  Habang pagala-gala si Aladin sa gubat ay nakita niya ang isang lalaki na nakagapos sa isang puno at pinalilibutan ng dalawang mababangis na leon na handang umataki anumang oras. Pinagtataga ni Aladin ang mga ito. Pagkatapos, kinalagan si Florante sa pagkakagapos at  hanggang siya ay magising. Nang magising si Florante ay nagtataka ito kung paano siay nakaligtas samga mababangis na hayop.
Aladin : Kaibigan , gising ka na pala. Kamusta na ang lagay mo?
Florante : Sino ka?
Aladin : Ako nga pala si Aladin , ang nagligtas sayo sa bingit ng kamatayan.
Florante : Parang nagkakilala na tayo. Hindi ba’t ikaw yung namuno sa pananakop sa kahariang Albanya?
Aladin : OO, tama ka, ako nga yun. Ang kaharian mo ay hindi naman naming napagtagumpayan na sakupin dahil nanalo ang hukbo mo sa digmaan at iyon rin ang dahilan kung bakit ako nagpagala-gala dito sa kagubatan.
Florante : Bakit naman?
Aladin : Nagalit ang aking ama nang nabigo ako na sakupin ang Kahariang Albanya. Bilang parusa, pinapili niya ko kung ano ang gusto, Kamatayan o Kalayaan. Kung makalaya ako ay malalayo ako sa sinta kong si Flerida at magkakatuluyan sila ng aking ama. Masakit man isipin, ngunit pinili ko ang aking kalayaan at ngayo’y nagpagala-gala nalang dito sa gubat.
Florante : Patawad.
Aladin : Hindi mo naman kailangang humingi ng tawad. Iniisip mo lang naman ang kapakanan nag iyong kaharian.
Tagapagsalaysay : Sa kabilang dako ng kagubatan ay mayroong isang babaeng humihingi ng tulong at narinig ito ni Flerida na agad niya naman itong pinuntahan.
Laura : Tulong, Tulong !
Adolfo : Tumahimik ka nga. (Sabay suntok sa tagiliran si Laura). Kahit anong pilit mong kakasigaw, walang makakarinig sayo !
Flerida : Bitiwan mo siya ! (Agad pinana ni Flerida si Adolfo). Laura ayos ka lang?
Laura : Ok lang naman ako. Nanghihina lang ng kunti.
Flerida : Halika’t aalalayan kita.
Tagapagsalaysay : Habang nag-uusapan sina Aladin at Florante, may narinig silang dalawang taong paparating.
Florante : Shhh !! Tumahimik ka.
Aladin : Bakit naman ?
Florante : Basta ! naririnig mo ba ang naririnig ko?
Aladin : OO, Naririnig ko na .
Florante : Magtago tayo, ihanda mo ang espada mo.
Aladin : Sige.
Tagapagsalaysay : Sa paglabas nina Florante at Aladin sa kanilang pinagtataguan ay nagulat sila sa kanilang nakita.
Florante : Aha ! Nahuli rin kita. Teka, Laura?
Aladin : Flerida, Ikaw ba yan?
Florante at Aladin : Anong ginagawa niyo dito?
Flerida : Ako, nagpagala-gala lang ako diot sa gubat upang hanapin kita Aladin hanggang sa narinig ko ang tinig ni Laura na humingi nang tulong dahil ginagahasa na siya ni Konde Adolfo.
Florante : Totoo ba yun Laura?
Laura : OO, pinilit kong makatakas ngunit sinuntok niya ako ng napalakas-lakas.
Florante  : Walang kasing sama talaga yang hayop na Kondeng Adolfong yan. Kung makikita ko siya ulit, pipirasuhin ko yan nang todong-todo, sinusumpa ko.
Flerida : Hindi na kailangan.
Florante : Bakit?
Flerida : Dahil napatay ko na siya!
Aladin : Talaga? Hindi ako makapaniwala. Dapat na rin yun sa kanya.
Florante : Laura, ayos lang ba ang lagay mo?
Laura : Hindi masyado. Nanghihina lang ng konti. At ngayon Florante, alam mo na pinagtaksilan ka lang ni Adolfo. Yung ikinasal ako sa kanya, hindi yun totoo. Sino ba naman ang gustong magpakasal sa ubod ng samang Adolfong yun.
Florante : OO naman, Mamahalin kita hanggang sa dulo ng walang hanggan.

Tagapagsalaysay : Masaya ang lahat ng umuwi sa Albanya. Magaganap din ang kasalan nina Florante at Laura. Habang sila Aladin at Flerida ay umuwi na sa Persya. Pagdating nina Aladin at Flerida, lingid sa kanilang kaalaman na matagal na palang may sakit si Ali-Adab, ang ama ni Aladin.
Ali-Adab : Aladin Anak..  Alam ko na malaki ang kasalanan ko sayo, sana’y mapatawad mo ako.
Aladin : Aking ama, masakit kung para sa akin ang ginawa mo sa akin pati na rin ang ginawa mo sa aking minamahal, mapapatawad pa rin kita. At inaasahan kong natuto ka na at sana maging maayos na ang lahat.
Ali-Adab : Anak, maraming salamat. Ang swerte-swerte ko talaga na naging anak kiat.   (Nagkayakapan ang mag-ama. Matapos magkapatawaran ang mag-ama, hindi inaasahang pangyayari ang naganap. Biglang nawalan ng malay si Ali-Adab.)
Aladin : Ama? Gumising ka! Hindi ko kayang mawal ka ! Ama !   (Nagsi-iyakan ang lahat.) Nawa’y maging malaya at masaya ka na sa kabilang buhay. Nawa’y patubayan ka ng Diyos.
Tagapagsalaysay : Lingidsa kanilang kaalaman na buhay pa pala si Adolfo. Nakaligtas siay sa bingit ng kamatayan at agad pumunta sa Albanya para tutulan ang kanilang kasalan nina Florante at Laura.
Pari : May tototol ba sa kasalang Florante at Laura?   (Biglang natahimik ang lahat.)
Adolfo : Itigil ang kasal !!!   (Nagulat ang lahat.)
Florante : Hayop ka talaga Adolfo ! Ano pa ba ang gusto mo? Ba’t hindi ka pa rin namatay? Hayop ka.!!
Adolfo : masamang damo’y matagal mamatay Florante. Sa tingin mo ba’y ganun-ganon nalang yon? Hindi ko hahayaan na magkaroon kayo ng Happy Ending ! gagawin ko itong bangungot na hinding-hindi niyo malilimutan.
Florante : Pwes ! Dakpin ang hayop na anak ng demonyong yan !   (Lumaban si Adolfo na gamit ang dahas at natalo niya ang mga kawal.) 
Adolfo : Yun lang ba ang kaya mo, Florante?
Florante : Kung gusto mo tayo nalang ang magtuos?
Adolfo : Bakit hindi !! Heyaahh !!
Tagapagsalaysay : Nalaman ni Aladin ang nangyari sa Albanya. Agad niyang inihanda ang kawal at agad silang pumunta sa Albanya.
Aladin : Nandito kami, Florante at Adolfo? Buhay ka pa pala! Tuso ka talaga !! (Naglabanan ang tatlo. Pinagtulungan ni Aladin at Florante Si Adolfo, hanggang sa..)
Laura : Tama naahh.. !
Aladin : Pero Lau..
Laura : Alam ko Adolfo gusto mo rin ako, ngunit palayain mo na ako ..!
Adolfo : Pero !!   (Napa-isip si Adolfo). Masakit man isipin, papalayain nalang kita kung si Florante talaga ang iyong totoong mahal at hindi ako. Sana’y mapatawad ninyo ako sa aking mga kasalanan. Lilisanin ko na nag Albanya.
Laura : Maipapatawad kita kung ipapangako mo sa akin na tutuparin mo ang iyong pangako.
Florante : Nawa’y maging malaya ka na Adolfo.
Adolfo : Paalam , Laura.
Laura : Paalam..  
Tagapagsalaysay : Pagkatapos ng mga pangyayari, natuloy na rin sa wakas ang  kasalang Florante at Laura.
Florante : Mamahalin kita panghabambuhay Laura at ipinapangako ko na hindi kita iiwanan.
Laura : Ganun din ako Florante..
Tagapagsalaysay : Dito nagtatapos ang maladamdaming pag-iibigan nina Florante at Laura. Sa wakas ay naging malaya na ang buhay nila..