Group A: Darwin 8 BANZA NHS
(Bumuo ng Iskrip na Ito)
HARVEY L. ABIAGADOR
JEFFREY P. JOTOHOT
SHEILLA MEA GUINSOD
JENEANN MACUNAN
“Florante
at Laura”
Eksena 1
Simula
Sa Paaralan…
Antenor
: Magandang umaga sa inyong lahat. Ako nga pala si Ginoong Antenor, ang inyong
guro.
Mga
Estudyante : Magandang umaga rin po Ginoo.
Antenor
: Ngayong araw ay magkakaroon tayo ng pagtatanghal o dula-dulaan at ang napili
kong gaganap ay sina Florante bilang bida at si Adolfo bilang kalaban ni
Florante sa isang labanan. (Nainggit si
Adolfo.)
Tagapagsalaysay
: Habang si Florante , Adolfo at kanyang kaklase ay nagtatanghal , sinadyang
saktan ni Adolfo si Florante pero agad
namang hinarang ito ni Menandro , ang matalik na kaibigan ni Florante.
Adolfo
: Ah. Pasensya ka na Menandro , hindi ko sinasadya.
Menandro
: Hindi sinasadya. Eh parang gusto mo lang talagang saktan si Florante. Ang
sabihin mo naiingit ka sa kanya.
Adolfo
: Eh sinabi na ngang hindi ko sinasadya . Bakit ba ayaw mong maniwala ha ?
Florante
: Tama na nga yan !
Antenor
: Magsitigil kayo ! Oh sige yun lang sa araw na ito. Magsi-uwian na kayo.
Mga
Estudyante : Paalam na po Ginoong Antenor.
Tagapagsalaysay
: Matapos mabingit ang buhay ni Florante sa kamay ni Adolfo, nawala at sukat
ito sa Atenas. Makaraan ang ilang panahon ay nakatanggap siya ng sulat na
nagsasabing namatay na nag kanyang ina.
(Lumapit si Antenor na kanyang guro kay Florante upang ibigay ang
sulat.)
Antenor
: Florante, may sulat ka . (Nang mabasa
ni Florante ang sulat ay bigla nalang may tumulong luha sa kanyang mata.)
Antenor
: Nakikiramay ako Florante. (Sabay
tapik sa balikat ni Florante.) Pinapabalik kana rin pala ng ama mo sa Albanya
dahil maysakit ito.
Florante
: Salamat po. Mauna na po ako.
(Tatalikod na sana si Florante ng biglang magsalita ulit si Antenor.)
Antenor
: Sya nga pala Florante. Mag-ingat ka kay Adolfo, hindi mo alam ang totoong
ugali ni Adolfo at kung ano ang kayang gawin niya sayo.Pinayagan ko ring sumama
sayo si Menandro para ng sa ganun ay may makakasama ka.
Florante
:Opo, Maraming salamat ulit sa inyong kabaitan sa akin.
Antenor
: Sige, mag-ingat ka. (Sabay pag-alis
nina Florante at Menandro.)
Tagapagsalaysay
: Sa kabila ng kalungkutan ni Florante dahil sa pagpanaw ng kanyang ina, sabik
pa rin siya dahil makakasama niya si Menandro na kanyang matalik na kaibigan
papuntang Albanya.
Eksena
2
Sa Albanya...
Tagapagsalaysay
: Pagkarating nina Florante at Menandro sa Albanya, agad na dinala si Florante
ng amang si Duke Briseo kay Haring Linseo. Nakatanggap kasi ito ng sulat mula
sa bayang Crotona na ito ay sinakop ng mga Moro.
Haring
Linseo : Duke Briseo, Yan na ba ang iyong anak?
Duke
Briseo : OO, ito na nga si Florante ang aking anak.
Florante
: Magandang araw po Haring Linseo.
Haring
Linseo : Magandang araw din sa iyo Florante. Maari ba kitang atasan na maging
Heneral ng hukbong magpapalay sa Crotona, ang bayang pinagmulan ng iyong ina na
si Prinsesa Floresca.
Florante
: Pumapayag ako na maging Heneral sapagkat ang bayan na aking ipinaglalabanay
ang bayan ng aking ina.
Haring
Linseo : O sige Florante , maraming salamat.
Tagapagsalaysay
: Si Florante nga ang napiling mamuno sa Hukbong na lulusob sa Crotona na
kinakailangan niyang iligtas ang kanyang nuno na kasalukuyang hari na naluklok.
Bago pa siay tumulak patungong digmaa, nakita niya si Laura na agad naman
siyang naakit at umibig , ganun rin naman si Laura kaya bago siya tumungo sa
Crotona , nagkaroon muna sila ng sumpaan ni Laura.
Eksena
3
Kasukdulan
Sa hardin...
Florante
: Magandang umaga sa iyo magandang binibini. Ako nga pala si Florante, maari ko
bang malaman kung ano ang iyong pangalan?
Laura
: Ako nga pala si Laura. Taga-saan ka at bakit ka nandito?
Florante
: Taga-Albanya, pumunta kasi kami ng aking amang si Duke Briseo at ako ay
naatasan ni Haring Linseo na mamuno sa Hukbong na magpapalay sa Crotona.
Laura
: Anak ka pala ni Duke Briseo?
Florante
: OO, Ikaw?
Laura
: Ama ko si Haring Linseo.
Florante
: Ganun ba? Ang ganda-ganda mo naman, ang iyong ganda ay nakakabighani. Unang
tingin ko palang sa iyo ay agad na akong nahulog sayong kagandahan. Maari ba
kitang ligawan?
Laura
: (Napangiti) OO, Pwedi.
Tagapagsalaysay
: Matapos maipahiwatig ni Florante ang nilalaman ng kanyang damdamin, nagpaalam
siya kay Laura upang lumusob sa labanan pero bago iyon, nagkaroon muna sila ng
sumpaan.
Florante
: Paalam na sa iyo Laura kailangan ko nang umalis.
Laura
: Mag-ingat ka sa iyong paglalakbay Florante, mahal na mahal kita.
Florante
: OO Laura, para sa iyo. Pangako ko sa iyona babalikan kita. Mahal na mahal
kita aking Laura.
Laura
: Sige Florante, hihintayin kita aking mahal.
(Sabay yakap at pabaon ni laura ng maraming luha at pinahiyasan ang kanyang
turbante na pinalamutian ng perlas, topasyo at maningning na rubi.)
Tagapagsalaysay
: Ilang beses na nagtagumpay ang hukbo ni Florante sa digmaan hanggang tuluyang
mapalaya ang Crotona. Ilang buwan lamang silang nanatili ng Crotona at sa
kanilang pagbabalik ng Albanya ay dinatnan nila itong nababalutan ng lagim.
Inabutan pa ni Florante sa aktong pupugutan ng ulo si Laura nang kanya itong
mailigtas sa kamay ng mga Moro sa
pamumuno ni Aladin.
Florante
: Bitiwan mo si Laura, Aladin. Tayo nalang ang magtuos. Kung may galit ka
sakin, huwag mong idamay si Laura.
(Binitawan ni Aladin si Laura. Agad na tumakbo papalapit si laura kay
Florante.)
Florante
: Laura, tumakas ka na. Isama mo na rin ang aking amaat ang hari.
Laura
: Paano ka? Hindi ko kayang mawala ka.
Florante
: Akong bahala.
Laura
: Mag-ingat ka. (Tumakbo si Laura
papalayo.)
Aladin
: Tama na nga ang satsatan. Maglaban na tayo.
Tagapagsalaysay
: Winasiwas ni Florante ang kanyang espada at maging s i Aladin. Sa kalagitnaan
ng labanan, biglang nabitawan ni Aladin ang kanyang espada. Sinamantala niya
ang pagkakataon at agad na itinututok ni Florante ang espada kay Aladin.
Florante
: Mayroon ka bang huling habilin?
Aladin
: Kahit ituloy mo pa iyan. Ito lang ang masasabi ko. Patawad..
Florante
: Sige , Umalis kana ! (Agad na tumakbo
si Aldin.)
Tagpagsalaysay
: Naitaboy ng hukbo ni Florante ang nga mananalakay na Moro. Napalaya ang
nakabilanggong hari at ang kanyang amang si Duke Briseo. Kabilang din sa mga
napalayang bilanggo si Adolfo. Labis na nagngitngit at nanibugho si Adolfo
sapagkat ipinagbunyi ng buong Albanya ang kagitingan ni Florante.
Taga-Albanya
: Mabuhay si Florante. Mabuhay !!!
Tagapagsalaysay
: Sa kabila ng lahat, lihim namang nakipag-ugnayan si Adolfo sa mga Moro upang
muling manalakay. Nais lamang ni Adolfo na lansihin si Florante. Muling umalis
ang hukbo ni Florante upang tugisin ang mga mananalakay na Turko.
Nakipagtunggali ang hukbo ni Florante sa bayan-bayan hanggang ganap na nila
itong maitaboy. Nasa Etolya si Florante nang makatanggap ng liham na pinapauwi
siya ni Haring Linseo na mag-isa.
Menandro
: Florante may sulat ka. (Agad na
kinuha at binasa ni Florante.)
Florante
: Ano ? Papauwiin na naman ako?
Menandro
: Kaibigan , sige umuwi ka na muna baka kailangan ka nila doon. Ako muna ang
bahala dito sa hukbo.
Florante
: Maraming salamat kaibigan. Maasahan ka talaga. Sige mauna na ako.
Menandro
: Sige mag-ingat ka.
Tagapagsalaysay
: Dumating siya sa palasyo na mag-isa at doon siya hinuli. Laking gulat ni
Florante nang bumungad sa kanya ang libu-libong kawal na pinamumunuan ni
Adolfo.
Eksena 4
Sa Albanya...
Florante
: Hayop ka talaga Adolfo. Sana hindi nalang kita pinalaya nung nakabilanggo ka
pa.
Adolfo
: Sana nga. Pero nasa huli ang pagsisisi. Sige ikulong na yan. Mayroon ka bang
huling habilin?
Florante
: Ito lang ang masasabi ko, Mamatay ka na sana. !
Adolfo
: Hahahaha .. (Agad na dinala ng kawal
si Florante at ikinulong ng labing walong araw.)
Tagapagsalaysay
: Nabilanggo nga si Florante ng labing walong araw hanggang sa tuluyang
ipatapon sa kagubatan. Pinugutan ni Adolfo ng ulo si Haring Linseo at pati ang
kanyang amang si Duke Briseo. Batid ni Florante na magpapakasal na si Laura kay
Adolfo kaya’t labis-labis ang kanyang pighati.
Wakas
Sa kagubatan...
Tagapagsalaysay
: Nasa madawag na kagubatan si Florante at nakatali sa isang puno na nagdaraing
sa buong akala na pinagtaksilan siay ng kanyang sinta na si Laura ng
ipinagpalit siay sa buhong na si Konde Adolfo.
Florante
: O minamahal kong Laura, hindi pa ba sapat ang pagmamahal na inalay ko sayo at
ang ating binitawang sumpaan? Pinilit ko mang limutin ngunit ipikit ko man ang
aking mga mata ay ikaw pa rin ang aking iniisip. Bakit ? Kahit mamatay man ako
sa punong ito, pinapanalangin ko lagi kay Bathala na maging malaya ang aking
kinalakihang kaharian ng Albanya’t maging ang buhay ng aking minamahal na si
Laura. Nawa’y lumigaya ka sa piling ng iba.
Tagapagsalaysay
: Biglang dumating ang dalawang mababangis na leon at pinalibutan si Florante.
Anumang oras ay tiyak na nag kanyang kamatayan. Pinilit ni Florante na sumigaw
at humingi ng tulong hanggang mayroong makarinig ng kaniyang tinig. Habang pagala-gala si Aladin sa gubat ay
nakita niya ang isang lalaki na nakagapos sa isang puno at pinalilibutan ng
dalawang mababangis na leon na handang umataki anumang oras. Pinagtataga ni
Aladin ang mga ito. Pagkatapos, kinalagan si Florante sa pagkakagapos at hanggang siya ay magising. Nang magising si
Florante ay nagtataka ito kung paano siay nakaligtas samga mababangis na hayop.
Aladin
: Kaibigan , gising ka na pala. Kamusta na ang lagay mo?
Florante
: Sino ka?
Aladin
: Ako nga pala si Aladin , ang nagligtas sayo sa bingit ng kamatayan.
Florante
: Parang nagkakilala na tayo. Hindi ba’t ikaw yung namuno sa pananakop sa
kahariang Albanya?
Aladin
: OO, tama ka, ako nga yun. Ang kaharian mo ay hindi naman naming
napagtagumpayan na sakupin dahil nanalo ang hukbo mo sa digmaan at iyon rin ang
dahilan kung bakit ako nagpagala-gala dito sa kagubatan.
Florante
: Bakit naman?
Aladin
: Nagalit ang aking ama nang nabigo ako na sakupin ang Kahariang Albanya.
Bilang parusa, pinapili niya ko kung ano ang gusto, Kamatayan o Kalayaan. Kung
makalaya ako ay malalayo ako sa sinta kong si Flerida at magkakatuluyan sila ng
aking ama. Masakit man isipin, ngunit pinili ko ang aking kalayaan at ngayo’y
nagpagala-gala nalang dito sa gubat.
Florante
: Patawad.
Aladin
: Hindi mo naman kailangang humingi ng tawad. Iniisip mo lang naman ang
kapakanan nag iyong kaharian.
Tagapagsalaysay
: Sa kabilang dako ng kagubatan ay mayroong isang babaeng humihingi ng tulong
at narinig ito ni Flerida na agad niya naman itong pinuntahan.
Laura
: Tulong, Tulong !
Adolfo
: Tumahimik ka nga. (Sabay suntok sa tagiliran si Laura). Kahit anong pilit
mong kakasigaw, walang makakarinig sayo !
Flerida
: Bitiwan mo siya ! (Agad pinana ni Flerida si Adolfo). Laura ayos ka lang?
Laura
: Ok lang naman ako. Nanghihina lang ng kunti.
Flerida
: Halika’t aalalayan kita.
Tagapagsalaysay
: Habang nag-uusapan sina Aladin at Florante, may narinig silang dalawang taong
paparating.
Florante
: Shhh !! Tumahimik ka.
Aladin
: Bakit naman ?
Florante
: Basta ! naririnig mo ba ang naririnig ko?
Aladin
: OO, Naririnig ko na .
Florante
: Magtago tayo, ihanda mo ang espada mo.
Aladin
: Sige.
Tagapagsalaysay
: Sa paglabas nina Florante at Aladin sa kanilang pinagtataguan ay nagulat sila
sa kanilang nakita.
Florante
: Aha ! Nahuli rin kita. Teka, Laura?
Aladin
: Flerida, Ikaw ba yan?
Florante
at Aladin : Anong ginagawa niyo dito?
Flerida
: Ako, nagpagala-gala lang ako diot sa gubat upang hanapin kita Aladin hanggang
sa narinig ko ang tinig ni Laura na humingi nang tulong dahil ginagahasa na
siya ni Konde Adolfo.
Florante
: Totoo ba yun Laura?
Laura
: OO, pinilit kong makatakas ngunit sinuntok niya ako ng napalakas-lakas.
Florante : Walang kasing sama talaga yang hayop na
Kondeng Adolfong yan. Kung makikita ko siya ulit, pipirasuhin ko yan nang
todong-todo, sinusumpa ko.
Flerida
: Hindi na kailangan.
Florante
: Bakit?
Flerida
: Dahil napatay ko na siya!
Aladin
: Talaga? Hindi ako makapaniwala. Dapat na rin yun sa kanya.
Florante
: Laura, ayos lang ba ang lagay mo?
Laura
: Hindi masyado. Nanghihina lang ng konti. At ngayon Florante, alam mo na
pinagtaksilan ka lang ni Adolfo. Yung ikinasal ako sa kanya, hindi yun totoo.
Sino ba naman ang gustong magpakasal sa ubod ng samang Adolfong yun.
Florante
: OO naman, Mamahalin kita hanggang sa dulo ng walang hanggan.
Tagapagsalaysay
: Masaya ang lahat ng umuwi sa Albanya. Magaganap din ang kasalan nina Florante
at Laura. Habang sila Aladin at Flerida ay umuwi na sa Persya. Pagdating nina
Aladin at Flerida, lingid sa kanilang kaalaman na matagal na palang may sakit
si Ali-Adab, ang ama ni Aladin.
Ali-Adab
: Aladin Anak.. Alam ko na malaki ang
kasalanan ko sayo, sana’y mapatawad mo ako.
Aladin : Aking ama, masakit kung para sa akin
ang ginawa mo sa akin pati na rin ang ginawa mo sa aking minamahal, mapapatawad
pa rin kita. At inaasahan kong natuto ka na at sana maging maayos na ang lahat.
Ali-Adab
: Anak, maraming salamat. Ang swerte-swerte ko talaga na naging anak kiat. (Nagkayakapan ang mag-ama. Matapos
magkapatawaran ang mag-ama, hindi inaasahang pangyayari ang naganap. Biglang
nawalan ng malay si Ali-Adab.)
Aladin
: Ama? Gumising ka! Hindi ko kayang mawal ka ! Ama ! (Nagsi-iyakan ang lahat.) Nawa’y maging
malaya at masaya ka na sa kabilang buhay. Nawa’y patubayan ka ng Diyos.
Tagapagsalaysay
: Lingidsa kanilang kaalaman na buhay pa pala si Adolfo. Nakaligtas siay sa
bingit ng kamatayan at agad pumunta sa Albanya para tutulan ang kanilang
kasalan nina Florante at Laura.
Pari
: May tototol ba sa kasalang Florante at Laura? (Biglang natahimik ang lahat.)
Adolfo
: Itigil ang kasal !!! (Nagulat ang
lahat.)
Florante
: Hayop ka talaga Adolfo ! Ano pa ba ang gusto mo? Ba’t hindi ka pa rin
namatay? Hayop ka.!!
Adolfo
: masamang damo’y matagal mamatay Florante. Sa tingin mo ba’y ganun-ganon
nalang yon? Hindi ko hahayaan na magkaroon kayo ng Happy Ending ! gagawin ko
itong bangungot na hinding-hindi niyo malilimutan.
Florante
: Pwes ! Dakpin ang hayop na anak ng demonyong yan ! (Lumaban si Adolfo na gamit ang dahas at
natalo niya ang mga kawal.)
Adolfo
: Yun lang ba ang kaya mo, Florante?
Florante
: Kung gusto mo tayo nalang ang magtuos?
Adolfo
: Bakit hindi !! Heyaahh !!
Tagapagsalaysay
: Nalaman ni Aladin ang nangyari sa Albanya. Agad niyang inihanda ang kawal at
agad silang pumunta sa Albanya.
Aladin
: Nandito kami, Florante at Adolfo? Buhay ka pa pala! Tuso ka talaga !!
(Naglabanan ang tatlo. Pinagtulungan ni Aladin at Florante Si Adolfo, hanggang
sa..)
Laura
: Tama naahh.. !
Aladin
: Pero Lau..
Laura
: Alam ko Adolfo gusto mo rin ako, ngunit palayain mo na ako ..!
Adolfo
: Pero !! (Napa-isip si Adolfo).
Masakit man isipin, papalayain nalang kita kung si Florante talaga ang iyong
totoong mahal at hindi ako. Sana’y mapatawad ninyo ako sa aking mga kasalanan.
Lilisanin ko na nag Albanya.
Laura
: Maipapatawad kita kung ipapangako mo sa akin na tutuparin mo ang iyong
pangako.
Florante
: Nawa’y maging malaya ka na Adolfo.
Adolfo
: Paalam , Laura.
Laura
: Paalam..
Tagapagsalaysay
: Pagkatapos ng mga pangyayari, natuloy na rin sa wakas ang kasalang Florante at Laura.
Florante
: Mamahalin kita panghabambuhay Laura at ipinapangako ko na hindi kita iiwanan.
Laura
: Ganun din ako Florante..
Tagapagsalaysay : Dito nagtatapos ang
maladamdaming pag-iibigan nina Florante at Laura. Sa wakas ay naging malaya na
ang buhay nila..